unlearning the binary

Kasarian sa Pilipinas

ANONG PAANDAR nanaman ITSU?

Sa buhay ng isang badeng, laging tinititigan ang sex o gender

pati ang roles at rules na kakabit nito.

Ang rules na ito ang nagsasabi kung tama o mali ang isang bagay,

at ang pagsunod o paglabag mo dito ay magiging basehan

kung dasurv mong maging katanggap tanggap at

maging masaya sa lipunang ito.


Naririnig natin lagi ang sex and gender sa usapin ng kabaklaan,

pero hindi laging mapagpalaya o pleasurable ang nagiging usapan.

Paano kung pag-usapan natin ang sex at gender sa sarili nating language,

masakit at mahirap pa rin kayang pag-usapan?

Panahon na sigurong pag-isipan at i-explore ng mga badeng sa Pilipinas

kung bakit nga ba tayo napunta sa ganito.


Ang Tagalog ng sex at gender ay iisa lang-kasarian.

Kung titingan nating mabooty, ang Tagalog na salita na to ay tungkol sa...








“Kasarian” meaning “karamihan ng sari” hindi kung ano ang iyong ari.


Ibig sabihin, sa lipunan natin, tayo ay binubuo ng sari-saring tao

at bawat isang tao ay may sari-sari pang katangian

na bumubuo sa kanyang sarili.


But wait... there’s more.


Gold Lens Flare

sari

at hindi

ari

unlearning the binary

Kasarian: A gender framework

Roots in Language

Hindi ”ari” and root word ng “kasarian” kundi “sari.”

Sa Tagalog language, walang prefix na “kas-”

Halimbawa, hindi “ama” ang root word ng “kasamaan” kundi “sama.”


Maaaring related rin ito sa Sanskrit na salitang “sari” o “sadi”

na ang ibig sabihin ay what is ours or what is within

na related din sa Tagalog na salitang “sarili”.


Pwede ring related sa salitang Hindu na “sari”

na katulad din ng “sari” sa Maranao language

(related sa Sarimanok, prominent feature in Maranao culture, design, and folklore)-

both approximately meaning “strip of cloth; garments of various colors”.


Sa kasarian, halatang halata na kaagad na diversity ang isa sa mga key concepts

na nakapaloob sa idea natin ng gender sa Pilipinas.

principles

Kung ang starting point natin ay samu’t sari ang kasarian ng bawat nilalang,

magbabago rin ang pagbasa natin sa ating kasaysayan

pati na rin ang pagtingin natin sa ating sarili, kapwa, at lipunan sa kasalukuyan.

Ano nga ba ang ibig nating sabihin pag sinabing kasarian framework?

hinDI ARI-CENTRIC

Kasarian is based on societal roles

rather than reproductive organs and functions.


Dahil hindi tungkol sa ari ang kasarian, ang mga babaylan o spirit guides and healers sa Pilipinas ay hindi “men dressed as women” kundi mga taong nakabihis babaylan. Ang pagsusuot ng palda o pagpapahaba ng buhok ay hindi tungkol sa pagiging babae kundi tungkol sa kung ano ang role na gusto mong gampanan sa lipunan.


Group of Lgbt Women
X Icon Illustration
X Icon Illustration
X Icon Illustration

DIVERSITY agad

Kasarian, the Tagalog word for sex, gender, and sexuality, literally translates into multitudes of diversity.


Ibig sabihin lang ay merong karamihan ng sari-sa mismong sarili at sa lipunan. Kaya pag pag-uusapan ang gender, ang starting point ay diversity na kaagad, hindi na kung sino ang sumusunod at lumalabag o allowed at hindi allowed.

Group of Diverse People Holding Hands

individual at RELATIONal

Young Guy Avatar - Person Flat Design Icon

Every individual is made up of multitudes (sari), together, we form multitudes of multitudes (kasarian). Our genders makes sense in relation to one another.


Bawat tao ay may sari, kaya ang kasarian ay di lang patungkol sa sarili, kundi sa kung paano rin tayo nakikitungo sa sari ng iba at sa kasarian sa lipunan. Lahat ay magkakaiba pero magkakaugnay. Ang sari ng bawat isa, ay bumubuo ng kasarian ng kabuuan.








Young Guy Avatar - Person Flat Design Icon
Young Guy Avatar - Person Flat Design Icon
Young Guy Avatar - Person Flat Design Icon
Young Guy Avatar - Person Flat Design Icon
Young Woman Chatacter - Person Flat Design Icon
Young Guy Avatar - Person Flat Design Icon

hindi binary

Lined Minimalist Diverse Non-Conforming Gender
Lined Minimalist Diverse Woman Illustration
Lined Minimalist Diverse Non-Conforming Gender
Lined Minimalist Diverse Man
Lined Minimalist Diverse Man

In kasarian, femininity and masculinity are not necessarily tied to identity categories, they are diverse characteristics that form parts of a person‘s multitudes.


Sa kasarian, walang femininity or masculinity, kundi mga degrees ng isang katangian. Walang mas mataas o mas mababa.

Colorful Hand-Drawn Banaue Rice Terraces Philippines World Landmark

mapagpalaya

Kasarian paves the way for re-building a diversity-affirming culture where people are free to contain, explore, and express their multitudes.


Hindi sa pagkakahon at paglilimita nauuwi ang pagiisip tungkol sa kasarian, kundi sa pagkilala-na lahat ng buhay ay may bitbit na iba’t-ibang katangian, na lahat tayo ay may karapatang lumigaya, at sama-sama kaya nating bumuo ng lipunang mapagpalaya.

Group Of People In Yellow And Pink Holding Fist In The Air
Paano tayo napunta dito genealogy ng KASARIAN

Kung maghahanap kayo ng history ng gender o history ng kabadingan sa Pilipinas, good luck.


Pero sa totoo lang, marami na ring naisulat tungkol sa gender sa Pilipinas,

di lang gender na naka-focus sa mga babae at lalake,

pati na rin ang naging experience ng mga badeng na sumali sa rebolusyon,

mga successful na badeng sa mga industriya nila, mga badeng ngayon, etc.

Pero ano kayang nangyari nung panahon bago dumating ang colonizers,

may mga badeng na ba noon-at anong mga ganap nila, for example?


Maraming badeng ang nangarap mahanap at ma-affirm ang sarili nila sa kasaysayan.

Kaya merong mga badeng na nag-attempt hukayin itong kasaysayan mula sa mga naipublish na sulatin, language, observations, hanggang sa gut feel at instincts. Kami yun.


So, history naman tayo ng kasarian. Kapit ka bih, malalaki ang alon at maliit ang bangka natin.


Vibrant Patterned Sailboat
Indonesian Young Man Wearing Traditional Clothing
Indonesian Young Women Wearing Traditional Clothing

Pre-colonial

kasarian

Pirate Ship Flat Icon
Water Splashing Drops Abstract Water Symbol

colonization: from sari to ari

Retro Pride Colored Line Band
Girl Power Group Parade

POST-COLONIAL

RESISTANCE

pre-colonial kasarian

Anong itsura ng kasarian ng Pilipinas noon? Kung maghahanap ka ng babasahin para dito, baka wala silang masabi. Pero sa language at salitang ginagamit natin araw araw, mahahanap at maaalala natin ang ating intergenerational memories and knowledge na pinasa-pasa

sa kanta, art, chismisan, oral history, at iba pa.


Sa language, meron tayong mga gender-inclusive terms such as kaibigan, asawa, anak.

Ito ay evidence na somehow, kahit nasakop at pinigilan tayo, lumusot ang values at beliefs natin kung saan saan.


Nakita tuloy natin na nag-survive ang ungendered characteristics o principles sa Filipino society.

Ang mga maliliit na bagay na ito ay evidence na hindi marked ang gender noon,

na sa katunayan ay di naman talaga siya issue.


Iniisip mo ba na meron nang bakla, tomboy, transgender, intersex, non-binary or genderqueer+ noon palang? Uh, yes ma’am, dati na tayong nandito.

so anong mga ganap noon?

Ilan sa halimbawa ng manifestations ng ungendered, diverse, relational,

at malayang precolonial kasarian sa kasaysayan ay:


Keri maging LGBTQIAN+, at mag-jowa ng kahit anong kasarian.

May sexual freedom ang lahat, at pwedeng may sexual relations sa iba’t ibang kasarian

Keri lang maging hindi virgin, walang ganun ganun.

Keri lang rin magkaroon ng maraming jowa at partners!

Pwede ka rin makipag-divorce kung ayaw mo na, love can’t keep you alive!


In short, walang kinalaman kung anong ari mo, o kung sinong mahal mo, o kung anong gusto mong isuot sa kung paano ka dapat pakitunguhan sa lipunan. Although di rin naman yan perfect society, pero at least, merong malawak na space para maging kung sino tayo in terms of gender.




colonial period: from sari to ari

long hair na lalaki? hubad na babae?

aydiosmio~!


Yellow Round Shape
Philippines Map Colored with Philippine Flag Illustration
Watercolor Cartoon Joseph the Dreamer
Moses Handdrawn Freeform Biblical Figure
Yellow Round Shape

MAN

woman

vagina

PENIS

Adam Handdrawn Freeform Biblical Figure
Luxury and Fashion Kerchief Accesory Design
Bright Lined Detailed Halloween Sour Belts with Shadows
Eve Handdrawn Freeform Biblical Figure
Wrap Mini Skirt
Christopher Columbus with Telescope
Shocked Emoji
Christopher Columbus Cartoon with Telescope and World Sphere Vector Design
Field Vector Design
Philippine Bahay Kubo Illustration
Jesus Christ Handdrawn Freeform Biblical Figure
Isolated Columbus Ship
wave flat icon
Watercolor Cartoon Samson
Watercolor Cartoon Mary Magdalene
wave flat icon

Habang nagsasaya tayo sa Bundok Tralala, dumating ang mga colonizers, at naloka ang mga lola niyo. Tapos iniimagine namin, nakita siguro nila yung spiritual medium o mga babaylan.

Ang mga babaylan kasi mostly babae, mahahaba ang buhok at nakapalda. Pero meron ring mga men na gumagawa ng role na ito-kaya mahaba rin ang buhok nila at nakapalda.


Naisip siguro nila, bakit pambabae yung damit at buhok ng mga indiong lalake?

Maybe they are not man enough, maybe they're gay, maybe they are deviant and abnormal, sterile, they are sinful, wrong. Siguro feeling nila na ang rason lang kung bakit magiging ganun ang mga lalake

ay kung sila ay abnormal, sterile, deformed, impotent, gay, deviant, demonic, etc.

Ang sakit diba, naka-babaylan aesthetique lang naman sila.


Kahit di ka masyadong nakinig sa history classes mo, alam mo na dinahas, pinigil, at sinakop nila tayo sa iba’t ibang paraan. Tapos ito pa, maliban sa physical at economic violence na ginawa nila satin, pinapaniwala nilang mas mababa tayo, at mali ang mga ginagawa natin.

Sabi nila tayo ay mga savages, uncultured, uncivilized, moro, remontados, taga-bundok.

Tapos sila naman ay civilized, cultured, saviors, the best.

Ginawa nilang unequal, hierarchical ang mga pagkatao natin,

tapos binawalan at pinarusahan ang behaviors at identities na hindi tulad ng kanila.

Kaya ngayon, naging mas puti, kaysa brown.

Mas lalake, kaysa sa babae. Mas tao, kaysa kalikasan. Mas sila na, kaysa tayo.


Paano nila nagawa satin yun, eh ang dami natin?

Nilayo tayo sa sarili nating beliefs, kultura, at language.

Pinarusahan nila ang diversity, rewarded ang pagsunod sa kanila.


Sabi pa nila, anything pre-hispanic or Filipino is wrong and bad. Pero nung hindi parin tayo ma-suppress, pinalitan nila si Bathala ng Jesus. Ang mga hero sa folklore, ginagawa nilang story ng saints. In-assimilate yung substance pero ni-retain yung form. Pinakalat nila yung kwento na maraming aswang sa Capiz dahil sa revolts para mawalan sila ng credibility at allies, at ma-isolate sila. Ang mga babaylan ay naging bruha much like the witch hunts in the west.


Hindi pala akma sa colonization yung diverse at egalitarian kasarian. So ginamit nila ang iba’t ibang tools like harmful religious notions at batas, among other fores, to impose the binary and unequal social and gender relations, mga bagay na pinagdudusahan at nire-resist pa rin natin hanggang ngayon.

POST-colonial RESISTANCE

Never tumigil mag-resist ang mga ninuno natin, kasi never rin natapos ang colonization.

Nagpapatuloy pa rin yan ngayon-kaya binary ang gender na natututunan natin sa school.

Mas madali rin nating naiintindihan ang oppression kaysa liberation,

kasi mas marami tayong karanasan doon.


Pero maniniwala ka ba kung sasabihin nating

lahat ng naging resistance, failed o successful ay nag-work?


Nasa proseso pa rin tayo pag-aaral ng mga foreign at western gender frameworks,

pero hindi laging madaling maintindihan, parang ang haba at masalimuot tuloy ng daan

patungo sa kalayaan nating mga badeng.


Pero maniniwala ka ba kung sasabihin nating

pwede na tayong lumaya ngayon palang, ma-enjoy na natin ang utopia natin in our lifetime?


We can work towards transforming society while treating ourselves and each other

as if we’ve already done it, as if nakatira na talaga tayo sa pangarap nating lipunan.


Marami na tayong frameworks na pwedeng gamitin para palayain ang ating sarili at ating kasarian.Meron na tayong SOGIESC, feminism, decolonization, post-modernism, atbp.

Tapos meron rin tayong kasarian (Tagalog), kinatawhan (Bisaya), at mentefuwaley (Teduray)

para ma-define, ma-affirm, mapalaya ang ating mga sarili.


We have our own conception of gender outside the binary.

We are not learning something new, we are unlearning imposed ideologies.


The point is not to go back to pre-colonial life kasi baka rin naman nag-evolve tayo ng sarili nating version of systemic social injustice without being colonized.

But we know many things now, a lot of them are foreign,

but cultures mirror each other even, or especially when they differ.

Even the evolving conclusion of SOGIESC is mirrored in the starting point of kasarian!


Ngayon, bigyan na natin ng permission ang mga sarili natin at ang mga collective natin

na gamitin lahat ng alam natin, kasama yung mga bagay na bukal sa atin

sa pag-resist, sa paghilom, at sa paglaya.

Cheerful Diverse Crowd of People Illustration
Splash Mark Accent Illustration
Hand Drawn Speech bubble
Paint Splash Illustration

Blog:

sa ulo ng mga

nagbabagang

baklita!

PATIKIM/PANIMULA:

WORKING PAPER ON KASARIAN

mandeep b. kaur

Hindi ‘ari” ang root word ng “kasarian”. Sa Tagalog language, walang prefix na “kas”. Hindi “ama” ang root word ng “kasamaan” kundi “sama”. “Sari” ang salitang ugat ng kasarian—ang (isa sa mga) salita natin para sa sex, gender, at sexuality. Ano bang meron sa salita, sa language na ginagamit natin sa pangaraw araw na buhay kasama na ang mga salitang halos nabaon na sa limot pero naaalala pa rin paminsan? Hindi maihihiwalay ang language sa kultura. Nagets ko ito nung unang matutunan sa university ang tungkol sa Sapir-Whorf hypothesis na nagsasabing “the structure of a language determines a native speaker's perception and categorization of experience”.


May mga salita tayo na hindi kayang ma-translate sa ibang language dahil nakabatay sila sa kulturang umiiral among us—the people who speak the language. Ang salita ay hindi lang salita, ito ay mga konsepto, may mga ibig sabihin. Kayang ma-translate ang mga ito kung may paglalapagan rin na katulad na konsepto sa kulturang umiiral among them—the people who do not speak our language. Noong nakapunta sa mga isla natin ang mga colonizers, hindi tayo sigurado kung may salitang “kasarian” na noon, pero alam natin mula sa decolonized at gendered na pagtingin sa ating pre-colonial history na hindi marked ang gender at hindi rin binary—bagay na hindi nila naintindihan. Paano nila mauunawaan na malawak at malaya ang pagtingin natin sa gender noon kung wala itong paglalapagang katulad na konsepto sa kulturang dala nila papunta dito?


Sex at gender ang mga konseptong bitbit nila Magellan. 1500s nung napadpad sila dito, 1300s pa lang umusbong na yung salitang sex sa lipunan nila, mula sa Latin na salitang “secar” which means to divide. Ang gender naman ay mula sa salitang “genus” which means “classification”. Pagdating nila sa mga shores natin, dala nila yung konsepto na yun, dinivide at kinategorize nila tayo base sa pagkategorize din nila sa mga sarili nila. Eh sobrang gender unequal ng lipunan nila, nung dumating sila dito, ni isang babae wala sa limang barko nilang may 270 na kalalakihan. Mababa rin ang pagtingin nila sa mga babae sa kultura nila, at hindi nila kayang ma-gets yung gender diversity; hindi nga nila inaaamin noon na may mga badeng sa kanila. Sobrang alienated na nila noon kahit doon din naman sila nagsimula noong mas unang panahon.


Sabi ni Brewer, binary gender was imported by Spanish missionaries based on biological determinism—sa kanila parang naging natural na lang na men are strong, and women are weak, at dinesenyo na rin nila yung lipunan batay doon sa feeling nilang “natural”. Tiningan rin nila ang pre-colonial society natin with their binary gender lens. Halimbawa, ayon sa research ni Gege, nung nagka-inquisition sa animism sa pre-colonial society, nakita nila yung babaylan o spiritual mediums; pag-alam nila, ang babaylans daw ay mostly women, may mahabang buhok at nakasuot ng lambon (palda). Pero meron rin daw men na nagpeperform ng role na ito, nakita silang mahaba rin ang buhok at nakapalda. So naisip siguro ng spanish colonizers, ay... “bakit pambabae yung damit at buhok nung babaylan men? Maybe they are not man enough, maybe they're gay, maybe they are deviant and abnormal, sterile, they are sinful, wrong.” Ininterpret nila yung phenomenon through their own gender framework, para sa kanila, they felt like the only reason men will give up their privilege as men or masculinity is if they are abnormal, sterile, deformed, impotent, gay, deviant, demonic, etc. But in actuality, being a babaylan is performing a spiritual role, not being a man or woman or even a 'third gender'. They are then not dressed as men, nor as women, they are dressed as babaylans. Hindi marked ang gender dito sa katulad na paraan na marked ito sa kultura ng ating mga colonizers.


Sa salitang “kasarian”, halatang halata na kaagad na diversity ang isa sa mga key concepts na nakapaloob sa idea natin ng gender sa Pilipinas (isa lang ang kasarian, marami pang iba). Kulang pa ng pagaaral kung ano ang etymology ng “kasarian”. Maaaring related ito sa sa Sanskrit na salitang “sari” o “sadi” na ang ibig sabihin ay “what is ours” or “what is within” na related din sa Tagalog na salitang “sarili”. Pwede ring related sa salitang Hindu na “sari” na katulad din ng “sari” sa Maranao language (related din sa Sarimanok, prominent feature in Maranao culture, design, and folklore—also mesmerizing accidental queer affirmation for all the young gays watching ABS-CBN in the 90s) both approximately meaning “garments of various colors”.


Isa pang point of investigation na kailangang bigyan pansin ay ang kwento ng isang kakilalang Filipino linguist na ang salitang “kasarian” daw ay isang coined term para sa gender sa Pilipinas, kasabay ng pag-coin ng iba pang Pilipino terms for foreign concepts for nationalism purposes gaya ng “sipnayan” for “mathematics”. Pwedeng ang Kasarian ay intergenerational memory of gender diversity passed down through language, surviving centuries of western colonization, or it may be an intentionally coined word na still founded on lived and observed or hypothesized gender diversity.


Kasarian describes a diversity-affirming culture around sex, gender and sexuality (SGS). “Sex” and “gender”—the basis of the western gender diversity framework SOGIESC—describes a diversity-denying culture or one that is oblivious to it. This is why SOGIESC does not translate well in our local context, why it feels off, why people get confused. SOGIESC is based on a gender binary that is largely culturally unintelligible to those whose starting point in understanding SGS is already diversity.


As a former colony, now a neocolony, enculturation is still happening here in the Philippines. We are still in the process of learning the binary, learning that there is “sex” and there is “gender” and that they are different even when they pertain to sala-salabid things. I know I only mastered this in university, and how many of us get to that stage in this country? A very small percentage. Add to that fact that of the public and private learning institutions in the Philippines, only a handful are able to teach good quality, up-to-date, evidence-based SGS education. SGS is experientially known but challenging to articulate when the experience is being choked by the language available to speak about it. Freeing the understanding of SGS from western binary framework will enable us in all the diversity we contain and share here in the third world, to more fully participate in gender liberation, through self-determination (Kasarinlan) and eventually gender sovereignty (Kasarianlan—borrowed from PUP Kasarianlan).


Kasarian also describes yung socially learned at instinctive na pagkilala natin sa SGS na isa rin sa mga dahilan kung bakit mahirap unawain ang SOGIESC framework. Sa SOGIESC, tinitignan ang tao nang tagpi-tagpi. Sa kasarian, nakikita tayo bilang telang hinabi. Sa colonized minds, magkahalo na yan, kaya lalong mahirap i-interpret. Agree ako sa SOGIESC, oo, assignment of person’s sex based on underdeveloped external infant genitalia do not dictate or cannot predict what their gender identity, expression, and sexual orientation would become as they go through their life; ayon yan sa lived experience ng SGS sa lugar nila. Response din nila to sa specific na paraan kung paano sila kinahon ng gender categories, ipakita na hindi applicable yung mga kahon kung ang pagbabasehan ay yung lived gender ng mga tao sa lugar nila. Starting point nila binary and classifying people into the binary or in reference to it. Pero when they looked at the lived gender experience of people, hindi sapat yung established categories, kinakailangan i-expand. When they started to pull at the loose strings of their binary sex and gender framework, paunti-unti na siyang nae-expose as a lie. Kaya nga from gay and lesbian lang noon naging LGBTQIAN+ na siya ngayon.


Kung para maunawaan ang SOGIESC, kailangan muna matutunan yung binary sex at gender tapos i-expand siya into gender diversity, sa kasarian, umpisa pa lang, given na yung conclusion ng SOGIESC na human diversity is infinite. Sa kasarian, sari sari ang sex characteristics, sari sari ang gender identities, sari sari ang sexual orientation, iba iba, kung anu-ano. Ayon din ito sa lived gender ng mga tao sa lugar natin. Ang pagkababae o pagkalalaki ay mga katangian, na tinataglay ng tao pero gendered expressions are not gender categories. Ang gender ay parang damit na pwede mong suotin o hubarin or anything in between depende kung sino ka, kung nasaan ka, kung ano ang ginagawa mo, kung sino ang kasama mo. Mga kunsiderasyon na naging mas kumplikado pang pag-isipan nung nahaluan na ang ating diversity-affirming worldview ng western diversity-denying messages through systematic cultural assimilation that persists to this day.


Bakit mahirap lunukin ang SOGIESC? Dahil mayroon tayong sarili. SOGIESC is an colonial imposition on how to understand the self in terms of SGS that is largely culturally unacceptable to those whose starting point in understanding SGS is already themselves.


Personally, kasarian gave me a way to understand that I am made up of multitudes, with its root word “sari” meaning “diversity”. Naintindihan ko na hindi lang sari-sari ang mga tao sa paligid ko, diversity exists even inside one person. On my own, may sari-saring Mandeep and together, they form my whole self. Sa pagkilala ko ng sarili kong kasarian, nagkaroon ako ng paraan para pagusap-usapin sila. Para akong isang barangay na may diverse constituents, may autistic adhder, teenager na may dysphoria, 20-something na alcoholic; may cult survivor, sexual assault survivor, depressed gender and development worker in recovery, plant-medicine user; may trans non-binary person, tomboy, badeng, na nakaranas ng institutional discrimination, atbp. Hindi sila laging mabait sa isa’t isa, hindi rin sila lahat magkakakilala.


Nung naintindihan ko ang kasarian, nagkaroon ako ng paraan para kilalalin sila. Nagkaroon ako ng paraan para makapagusap-usap sila-barangay assembly ang tawag namin ni Gege dito. Noong iniisip ko na isa lang ako, walang naguusap, parang meron lang isang boses na nangingibabaw, naninigaw, nagpo-police, kapag may sumulpot na parte ng kasarian ko na hindi ko kilala, na hindi ko ma-interpret. Marami rin sa mga nakilala ko sa sarili kong kasarian ay mga identity na tinuturing ng lipunan bilang mababa o masama. Mga hindi kayang maintindihan (kasi hindi nila maintindihan), mga dapat iwasan, katakutan. No wonder I had mental health issues. I found myself divided between my good, which is to say, the socially acceptable parts of myself, and my bad, the part of me that could never come out, the part of me I was so scared of, I wouldn’t even let them out when I was alone. Ikaw ba naman sabihan na yung ibang parte daw ng sarili mo ay “bad influence”, “the devil inside you”, na off-putting “yung kalandian mo”, na kung bata kang babae, pwede ka maghubad ng shorts o umihi sa harap o sa paligid ng mga nakakatandang babae pero hindi pwede sa harap o sa paligid ng mga nakakatandang lalake. Napakaraming mensahe na nakakalito, at sumagka talaga sila sa pagkilala ko ng aking buong sarili, at humadlang sa pakikipagkaibigan ko sa lahat ng sari-saring ako na umiiral sa loob ko mula noon hanggang ngayon.


Nung nagdeep dive ako sa SOGIESC, it was also an attempt to get to know me, and understand how valid my divergent existence was. If it was rooted in western science, then of course I have a right to be here and be queer! Sa Kasarian, na-decolonize din yung queerness ko, mas napalapit siya sa pangunawa ko, sa paligid ko, sa mga tao dito. Dito ko nalaman na nauna pang magkaroon ng bading, kaysa magkaroon ng pulis o ng polisiya o ng estado. Kaysa sa lahat ng institusyong sumusupil at umaabuso sa mga gaya ko, mas nauna ako dito, at hindi na ko kailangang ma-update tungkol sa siyensiya ng pagka-valid ng pagkatao ko, dahil nauna pang mabuo ang mga taong gaya ko kaysa mapormalisa ang western scientific method. May mga paraan pala ng pagkilala sa sarili na bukal, na madali. Hindi pala kailangang laging inaaral, pwedeng dinadanas, dinadama.


Kasarian is many things, one of those is a (not the) framework to understand gender diversity, a framework that actually works in facilitating people’s acceptance of gender diversity as a fact of life, not just as it is in the last few decades but as it had been, whether in reality or in potential, since the dawn of the anthropocene. Humans did not introduce diversity into the world, diversity was a necessary component not only of our evolution but also of our wellbeing in 21st century daily life, and in the sustainability of our ecosystems for generations to come.


Kasarian sees humans as diverse, periodt. We use this as a jump off point to present how pre-colonial societies in this archipelago, now known as the Philippines, with diversity-affirming cultures around sex, gender, and sexuality were transformed into a diversity-denying, diversity-policing, and diversity-crushing culture around the same. Paano tayo napunta at pilit na pinapapunta dito, from diversity to binary, at paano tayo umaayaw at pilit na bumabalik sa liberation from oppression? Yan ang binubutingting namin sa Kasarian Project.

UNHINGED: AKO LANG TWOUH

julie

Feminine-raised. Any pronouns.


An awakening to sex, gender, sexuality at various points in my life felt like moving from one box to the next. It seemed like I would be assigned to a box then, feeling claustrophobic, I would instinctively scratch the corrugated surface to get out, only to find out I am in another box, bigger, but the same familiar walls. I would learn that having a vagina should not delegate me to roles only to then learn that I am a whole Frankenstein of arbitrary sexual and gender interpretations and reinterpretations by others who do not look like me.


The enclosures boiled anger in me. I would reproduce this anger and cling to it. How could this be so? How could they, whoever put me inside the now shredded paper in the middle of my new world?! As my vocabulary expanded, my frustration also increased. I thought to myself maybe this is just the affliction of knowing. But why would knowledge feel like a serrated knife leaving a mess I did not have the capacity to clean up.


While sitting on the wooden floors of Gege and Mandeep’s perpetually sunny apartment, I first heard of Kasarian. It tickled the soul in the voids within my brain. It permitted me to peek outside my box. But this time, it’s not through violent shredding but careful folds. I found the tapes flimsy and limp. I was ready to tuck my box that now fit in my pocket. The world welcomes me with unconditional permission to take my space wherever I want; however I am.


And so I feel a deep sense of comfort among the expanse of sari that escapes taxonomy. No more corners, cracks, and edges to fall to. I can be as deep, as high, as far as I need to be. More than knowing, it’s also feeling my belongingness and my uniqueness. My kasarian is my lived experience. My upbringing. My genealogy. My ancestors. My environment. My community. My inherent self. Me in relation to all. I take up space just because.


I was raised to be feminine is where I’m starting. Whatever happened, happens, and will happen along my life is my context and my being. It just is. I couldn’t care what I’ll be called next within these foreign words. I am no longer angry. Just valid.


KAT THOUGHTS, KANTOTS (Pt.1)

kat

I. PARA MAKAPAGBIGAY NG INTRODUKSYON - PUNDASYON PARA SA MGA SUSUNOD NA KAISIPAN


Its hard for me to explain

Its hard for me to explain because it feels like magic

I think its because Kasarian presents me with possibilities

Possibility for a kind of change I so desperately need from society

For freedom, healing, justice, love

To break and piece back the way we want to

To let go and free fall to where we’re supposed to be, who we really are

To appreciate the multitudes and singularity

To see within ourselves, together

Endless possibilities


Bago ang lahat

Bago ang lahat, tingin ko kailangan ko ipaliwanag kung ano ang “balangkas” (o framework sa ingles) at bakit mahalaga ito, dahil sinasabi namin na balangkas ang Kasarian. Hindi lahat tayo ay may kamalayan na may balangkas tayo at kung anong balangkas ang ginagamit natin. Pero lahat tayo meron nito at malaki ang epekto nito sa buhay natin. Malaki ang pakinabang ng pag-alam at pagninilay sa sarili nating balangkas sa pagpapabuti ng relasyon natin sa sarili, komunidad, at mundo natin. Lahat tayo ay may iba’t-ibang balangkas pero meron mga iilang balangkas na ginagawang pamantayan para sa buong lipunan.


Ang balangkas ay (mga) ideya at konsepto na ginagamit natin bilang gabay para mas maintindihan ang mga karanasan natin. Ang pinakasimpleng paraan na naiisip ko para mas mapaliwanag kung ano ito ay sa paghahalintulad nito sa salamin para sa mata. Ginagamit natin ito para mas malinaw na makita ang mundo. Depende sa lente na ginagamit mo ang pagtingin sa mundo kaya naapektuhan nito kung paano ka kumikilos sa mundo.


Madami nang iba’t-ibang balangkas na nabuo ang mga babae at bakla base sa kanilang mga iba’t-ibang karanasan at pagsusuri sa lipunan. Ilan sa mga sikat ngayon ay ang sex and gender, at SOGIESC. Ginagamit ito sa mundo ng pagpapa-unlad - ng gobyerno natin, ng mga NGO. Natatakda sila bilang pamantayan kung paano natin titignan ang problema at usapin ng kasarian sa Pilipinas.


So kung ang lente ng sex and gender ang gagamitin mo, makikita mo na meron tayong mga katangian na “natural” sa atin dahil sa ating kasarian (hal. pisikal na mga katangian tulad ng puke, tite) at meron namang mga katangian na inaasahan lang ng lipunan na taglayin natin batay sa kasarian (hal. ang lalaki dapat malakas, ang babae ay dapat tahimik). Sa lente naman ng SOGIESC makikita mo na meron iba’t-ibang aspeto na bumubuo ng kasarian mo (hal. sexual orientation, gender identity, gender expression, sexual characteristics) at puwedeng iba-iba ang rekados ng halo-halo. Pero ang lahat ng balangkas ay meron din kanya-kanyang kalakasan at kahinaan - ibig-sabihin hindi sila perfect (ngayon ko lang naisip na walang perfect sa Filipino, walang ganitong konsepto sa lenggwahe at kultura natin?)


Ang mahalagang ikonsidera ay gawa lang din ng tao lahat ng mga balangkas na ito. Ginawa nila base sa sarili nilang karanasan at pananaw sa buhay. Kadalasan kasi, kapag tinuturo ang mga balangkas na ito, walang pagbanggit sa kasaysayan nila - sino, saan, paano, at bakit sila ginawa. Kaya nawawalan ng espasyo para sa kritikal na pag-iisip at malalim na diskusyon. Naiiwan na lang tayo na tanggapin ang mga balangkas na ito, at hanapin kung paano sila ilapat sa sarili nating karanasan. Walang pagkakataon para alamin natin kung ano ba ang sariling balangkas natin, at paano mailulugar ang ibang balangkas sa buhay natin.


Ang Kasarian ay

Ang Kasarian ay ideya/konsepto/balangkas. Isa ito sa mga paraan na puwede natin tignan ang mundo, intindihin ang mga karanasan natin, ang sarili natin batay sa kasarian na taglay natin. Pinangunahan nila Mandeep at Gege ang pagbubuo ng Kasarian bilang balangkas, kaya hindi ko na uulitin kung ano man ang paglalarawan nila dito. Mas gusto ko ibahagi kung paano ko ito naiintindihan at nagagamit. Para sana maka-ambag ako ng sarili kong mga kuro-kuro, para sa posibleng pagpapalago ng Kasarian bilang balangkas. Ito ang susubukan ko ibahagi habang binbaybay ko ang sarili kong kuwentong kasarian at ang pagsasagawa namin ng proyekto para sa balangkas ng Kasarian.


2. PARA MAKAPAGBAHAGI NG MGA ARAL - PAGNINILAY MULA SA KARANASAN


Sa pagkukuwento (transparency and criticality)


Sa pagkukuwento ni bell hooks ng kasaysayan ng peminismo sa America, sinabi niya na mula nang makapasok ito sa akademya bilang women’s studies o gender studies, unti-unti nang nawala na ang kapangyarihan nito sa mga ordinaryong komunidad. Ang kritikal na pag-uusap tungkol sa kasarian, na nag-umpisa sa mga impormal na pagtitipon ng iba’t-ibang kababaihan, ay naging expertise o propesyon ng iilan.


Naalala ko nung tinanong ni Mandeep sa isang klase namin, “sa paanong paraan tayo nakakadagdag sa dominasyon?”. Tinanong niya ito sa harap naming may pribileheyo na makapag-aral ng masters of arts in women and development. Sa harap ng mga tao na binibigyan ng kapangyarihan ng lipunan para tawagin ang mga sarili nila na gender experts, gender specialists, o kung ano pang pedestal na puwedeng ibigay sa mga nag-aaral tungkol sa kasarian sa pormal na eskuwelahan.


Sa pang-araw-araw na buhay natin, meron mga iba’t-ibang paraan na nakakaranas tayo ng pang-aapi mula sa lipunan pero meron din mga paraan na tayo mismo ang nagdudulot o nakakadagdag sa sistema ng pang-aapi. Hindi ito maiiwasan sa kapitalistang sistema na nabubuhay sa kultura ng kompetisyon, meron panalo, laging may talunan. Para magkaroon ng hanap-buhay, para mabuhay, kailangan natin patunayan na mas magaling at nararapat tayo kaysa iba. Kailangan natin ito harapin. Kailangan natin makita sa sarili natin kung paano tayo nakaka-ambag sa sistemang ito, direkta man o hindi, para mas mapabuti natin ang gawain ng pagbabago at pagpapalaya.


Naalala ko nung unang beses pinakilala sa akin ni Gege at Mandeep ang Kasarian, ikinuwento nila ang pagkadismaya nila sa SOGIESC. Development worker din ako kaya naintindihan ko kaagad ang mga binahagi nilang challenges na nakikita nila sa paggamit nito. Pero noon lang talaga lubusang tumambad sa akin ang sarili kong kakulangan sa pagiging kritikal - sa mga konsepto at balangkas na sikat ngayon. Katulad ng nabanggit ko, madalas sa mga gender training, hindi nababanggit ang kasaysayan o pinanggalingan ng mga balangkas na tinuturo. Hindi napapalitaw na gawang tao lang din ang mga balangkas na ito - ginawa nila batay sa sarili nilang konteksto na maaaring hindi lapat sa konteksto natin.


Totoo naman na madami akong natutunan at napulot na ideya mula sa pag-aaral ng mga banyagang diskurso tungkol sa kasarian. Pero nang ibahagi lang sa akin nila Mandeep at Gege ang Kasarian, tsaka lang ako lubusang naudyok pag-isipan kung ano ang bitbit na kalakasan at kahinaan ng mga diskurso na ito. Sa Kasarian, na-engganyo ako na alamin ang kasaysayan ng mga banyagang balangkas na ginagamit natin, at mas lalo maging kritikal tungkol sa mga ideya at konsepto na isinusulong nila.


Habang sinusubukan namin ibahagi ang Kasarian bilang balangkas sa iba’t-ibang grupo ng tao, natutunan ko na isa sa mga malalaking paraan na nakakadagdag tayo sa sistema ng dominasyon ay ang pagkukulang natin sa transparency - o kakulangan sa pagbigay ng kabuuang kuwento. Bilang mga “eksperto” sa usaping kasarian, isa sa mga kinikilala natin ay ang pagkakaroon ng hindi pantay-pantay na mga relasyon at ito ang gusto nating tugunan sa propesyon natin. Pero paano natin ito magagawa kung hindi natin naisisiguro na naibabahagi natin ang kaalaman tungkol sa kasarian sa mga taong pinakanangangailangan nito?


Dahil kadalasan hindi natin naibibigay ang kabuuang kuwento tungkol sa mga balangkas/konsepto/ideya na tinuturo natin; hindi natin naipapalitaw na gawang tao lang din ang mga ito; hindi natin naibabahagi kung ano ang pinanggalingan ng mga taong nag-imbento ng mga balangkas/konsepto/ideya na ito - naipagkakait natin ang karamihan sa kapasidad na magsuri, maging kritikal, at makapag-isip para sa kanilang mga sarili.


———


Sa isang sesyon kasama ang mga katutubong kababaihan, sinubukan namin ni Julie siguraduhin na magkakaroon ng espasyo para makapag-philosophize at kritikal na pagsusuri kasama ang mga kalahok. Nanggagaling kami sa paniniwala na lahat tayo ay meron ganitong kapasidad at lahat tayo nararapat bigyan ng ganitong espasyo. Kaya sinuguro namin na kahit na karamihan sa mga itatalakay namin ay mga banyagang balangkas tungkol sa kasarian, ipapalitaw namin na banyaga ang mga ito at ibabahagi namin ang pinanggagalingan ng mga taong gumawa ng mga balangkas na ito.


Interesado ang mga kalahok na mas maintindihan ang mga banyagang balangkas, marahil dahil marami sa kanila ang naipakilala na sa mga ito dati pa. Meron iilan na nagsabi na naituro na sa kanila dati na ang sex ay tungkol sa mga biyolohikal na katangian ng mga tao, habang ang gender ay tungkol sa mga social construct. Lahat sila ay napakilala na din sa SOGIE (hindi pa daw ang SC). Pero gusto nila ulit matalakay ang lahat ng ito dahil nalimutan na nila o pakiramdam nila hindi pa nila lubusang naiintindihan.


Habang tinatalakay din namin ang mga banyagang balangkas, meron mga umusbong na kalituhan. Lalo na sa SOGIESC, may nagtanong “saan ang mga bakla diyan? Ang mga tomboy?”; “kung ganito ang karanasan ko? Ano ang SOGIESC ko?”. Imbis na pilitin ang paggamit ng SOGIESC para masagot ang mga tanong nila, nagpakatotoo kami na maaaring iba ang pagpapakahulugan nila sa kasarian at maaaring hindi ito pasok sa SOGIESC. Binalikan namin ang konteksto na gawa ng mga banyaga ang balangkas na ito at ang reyalidad na iba-iba ang pagpapakahulugan sa kasarian sa iba’t-ibang kultura - ang kasarian ay hindi universal.


Sa limitadong oras na meron kami, sinubukan namin siguraduhin na hindi makakaramdam ng pressure ang mga kalahok na lubusang maintindihan o i-master ang mga banyagang balangkas. Intensyunal kami sa pagbibigay ng maluwag na espasyo sa pamamagitan ng pagsabi na maaari pa nila pag-aralan ang mga banyagang balangkas kung gustuhin man nila pero hindi kailangan i-memorize ang mga ito, at puwede din sila tumutok sa pagkilala at pag-aral ng balangkas mula sa sariling kultura. Binalikan namin ang katotohanan na ang mga kalahok ang eksperto sa sarili nilang kasarian.


Nakatulong ang ganitong proseso para sa mga kalahok. Meron lumapit sa amin para sabihin na nagustuhan nila ang talakayan dahil talagang naintindihan nila ang mga balangkas. Sinabi pa nila na iyon ang best na talakayan na nalahukan nila. Meron din nagsabi na hindi naman pala kailangan ipilit ang paggamit ng mga balangkas na laging itinuturo at puwede din sila gumawa ng sarili nila. Meron nagbahagi na natuwa sila sa talakayan, madami pa sila gusto malaman at gusto pa nila ituloy ito sa ibang panahon.


———


Bago ang talakayan kasama ang mga katutubong kababaihan, gumawa kami ng maiksing pagsasaliksik tungkol sa kasaysayan ng mga banyagang balangkas. Gusto ko ibahagi ang resulta ng pagsasaliksik na iyon dito.


Nalaman namin na ang balangkas ng sex and gender ay sinimulan ng isang psychologist, si Madison Bentley, noong 1945. Si Madison ay puting Amerikano na lalaki. Sinundan siya nina John Money, isang sexologist, at Robert Stoller, isang psychiatrist. Parehas din silang puting Amerikano na lalaki. Naka-ambag si John at Robert sa pagpapalago ng balangkas ng sex and gender. Wala masyado nakasulat tungkol kay Madison, pero parehas si John at Robert na gumamit ng balangkas na ito para sa pag-aaral ng seksuwal na pag-uugali (sexual behavior) ng mga tao.


Bago nila ginawa ang balangkas na ito, mas maluwag ang paggamit ng salitang “sex” o “gender” - pinagpapalit-palit sila sa ibang mga kasulatan - pero kadalasan “sex” ang ginagamit na salita ng mga scientist. Meron mga naimbag sa pag-aaral sina John at Robert pero parehas silang kontrobersyal dahil naniniwala sila na may mali sa kasarian ng iilang tao na kailangan itama. Sa kaniyang propesyun, isa sa mga pinagkaabalahan ni John ay ang pag-alam kung paano itama ang tingin niyang mali tungkol sa pagiging intersex o trans, marami din ang hindi sumasang-ayon sa mga social experiment na ginawa niya. Para kay Robert, problema ang pagiging trans at gusto niya malaman kung paano ito ayusin.


Sumikat lang ang balangkas ng sex and gender sa diskurso ng gender equality nang gamitin ito ng mga peminista, sa pangunguna ni Simone de Beauvoir noong 1949. Si Simone ay puting babae at French philosopher. Ginamit ng mga peminista ang balangkas para mapakita na ang mga tao ay hindi ipinapanganak na “babae” at ang konsepto ng “pagiging babae” ay gawa lang ng lipunan, para mapakita ang hindi pantay na relasyon sa pagitan ng mga kababaihan at kalalahikan.


Dito nagnilay ako sa kalakasan at kahinaan ng balangkas na ito. Para sa akin nakatulong ang balangkas na ito para matukoy kung ano ang mga katangian na inaasahan ng lipunan mula sa atin batay sa ating kasarian. Naintindihan ko na ang mga ekspektasyon na ito ay gawang tao lang, at ang gawang tao ay puwede din baguhin ng tao. Kung hindi ko man taglay ang mga katangian na inaasahan mula sa akin batay sa aking kasarian, hindi ibig-sabihin na meron akong pagkukulang o meron mali sa akin. Hindi natin kailangan magpakahon sa mga dinidikta ng lipunan kung nakakasama ang mga ito. Dapat ang lipunan ang magbago.


Ang limitasyon naman ng balangkas ng sex and gender para sa akin ay ang pagturing nito sa “sex” bilang “natural”, tiyak na katangian ng mga tao. Pero ang konsepto ng “sex”, kung ano ang “natural” batay sa kasarian, ay gawang tao lang din at ang pagkakaunawa natin dito ay puwede din magbago. Sa teknolohiya na meron tayo ngayon, puwede natin ipabago ang iba’t-ibang parte ng ating katawan. Sa mga mas makabagong pag-aaral nakikita na madaming sari-saring kombinasyon ang ating mga biyolohikal na katangian batay sa kasarian (hal. primary at secondary sex characteristics). Makikita na hindi na talaga sumasapat na meron lang tayo dalawa o tatlong biyolohikal na kategorisasyon ng kasarian.


Kahit dati pa, meron na ako kalituhan tuwing ipinagtatapat ang sex and gender at SOGIESC. Kahit na nauunawaan ko din ang balangkas ng SOGIESC, sa pag-iisip ko, nahihirapan akong ipagtugma sila ng sex and gender. Sa pagsasaliksik namin, mas naintindihan ko na maaaring hindi talaga sila magtutugmma dahil magkaiba ang konteksto at pakay ng mga taong gumawa sa kanila.


Noong 2006 lang ginawa ang balangkas ng SOGIESC. Isinama ito sa Yogyakarta Principles - isang kasulatan na naglalaman ng mga karapatan ng sangkabaklaan. Ang SOGIESC ang ginamit nilang balangkas para mapatunayan na tao din ang mga bakla. Ang mga gumawa nito ay mga high profile na mga tao, mga tinagurian na human rights “experts”, mga judge, attorney, akademiko. Karamihan sa mga naglagda ay puti, walang Pilipino.


Malaki ang naitulong ng SOGIESC sa buhay ko. Dito ko unang napagtagpi-tagpi ang mga katangian ko batay sa kasarian, at matanggap na maaaring hindi ako sumunod sa cis-heteronormative na formula ng SOGIESC. Dito mas napaigting sa akin na meron din hindi pagkapantay-pantay, hindi lang sa pagitan ng babae at lalaki (na tanging tinutukan ng balangkas ng sex and gender). Tingin ko na puwede ito gamitin ng mga tao para mas makilala din nila ang kanilang sarili, pero kung gusto lang nila - hindi naman talaga kailangan dahil maaaring meron silang sariling balangkas na mas nauunawaan nila.


Sa mga talakayan ng SOGIESC, ilang beses ko na narinig yung “bakit dumadami na ngayon ang mga bakla?”. Siguro dahil kamakailan lang din nagawa ang balangkas na ito, tingin ng mga tao ngayon lang din naimbento ang kabaklaan. Ngayon, mas nakikita ko na din ang iba pang limitasyon ng SOGIESC ay ang pagkakaroon ng mga formula sa pagtuturo nito. Kailangan mo sagutan ang formula para malaman kung saang kategorisasyon ka papasok. May pagka-teknikal pa rin ang dating niya, na kadalasan ay hindi accessible sa mga komunidad. At banyaga din ang lenggwahe nito na nakakadagdag sa kahirapan na unawain ito. Dahil sa lahat ng ito, madami ang nadidismaya sa hirap ng pagmemorize sa SOGIESC.


Ulit, babalik tayo sa katotohanan na hindi universal ang pagpapakahulugan sa kasarian. Mula sa pagsasaliksik na ito, natutunan ko na karamihan sa mga balangkas na tila ipinipilit sa atin, na gamitin natin, ay gawa ng mga banyaga. Sila ang mga sikat ngayon dahil mas kinikilala at pinapahalagahan natin ang mga boses ng mga “eksperto”, mga taong na sa puwesto ng kapangyarihan dahil sa kanilang kasarian, lahi o propesyon. Puwede naman natin gamitin at kuhanan ng ideya ang mga balangkas nila. Pero puwede din natin tignan ang sarili nating kasaysayan at kultura. Puwede tayo gumawa ng sariling balangkas/lente ng pagtingin at pagsusuri sa mundo - na mas lapat sa konteksto natin. Kailangan natin basagin ang ideya na meron ibang mga “eksperto” na mas maalam tungkol sa sarili nating buhay kahit na nasa kabilang dako sila ng daigdig.


Sa pagbabahagi (language and knowledge democratization)


Sa pagbabahagi ng impormasyon o kaalaman tungkol sa mga ideya/konsepto/balangkas tungkol sa kasarian, isa sa mga malaking hamon ay ang kaibahan sa lenggwahe. Mula noong nakapagsanay ako sa community development, naging misyon ko na ang pagdemocratize ng knowledge o ang proseso ng pagsisiguro na accessible o abot-kamay ang impormasyon o kaalaman sa mga komunidad. Pero puro english ang mga gender concepts, lalo na kung makikita sa mga teknikal na papel o sa akademya. Noong ibinahagi sa akin nila Mandeep at Gege ang Kasarian, mas nauunawaan ko ang kapangyarihan ng lenggwahe, hindi lang sa pagpapa-abot ng kaalaman, kung hindi sa pagbubuo din nito.


Mas naintindihan ko mula sa Kasarian na hindi lang ako nahihirapan magbahagi tungkol sa mga banyagang balangkas dahil ingles ang lenggwahe nila pero dahil maaaring iba ang pananaw na nakapaloob sa mga lenggwahe na ito. Nakapaloob sa sarili nating lenggwahe ang mga pagtingin at pinapahalagahan natin sa mundong ginagalawan natin. Malalim ang ugat nito sa kultura at kasaysayan natin. Sa Kasarian, naintindihan ko na iba talaga ang pagtingin natin sa gender, at nakapaloob ang pagtingin na ito sa sarili nating lenggwahe. Sa tagalog, ang salitang “kasarian” ang ginagamit kapag pinag-uusapan ang sex, gender, SOGIESC, o sexuality, pero hindi ito direct translation, may iba itong diwa at buhay sa konteksto ng mga tagalog - ito ang pilit nililibing ng kolonyalismo, pero ngayon sinusubukan na natin bigyan ng hustisya.


Kaya tuwing nagpapakilala tayo ng mga balangkas na mula sa konteksto at pananaw ng mga nag-imbento ng mga balangkas na ito, implicitly ipinakikilala din natin ang kanilang mga paniniwala, pinapahalagahan (values), at proseso ng pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman. Halimbawa, ang sex ay galing sa salitang Latin na secar, ang ibig-sabihin ay “pagputol” o “paghati”. Ang gender ay galing din sa salitang Latin, genus, ang ibig-sabihin ay “klase”. Sa balangkas ng sex and gender meron paniniwala na meron lamang iilan na kasarian batay sa ari na taglay ng mga nilalang. Tinitignan na meron lang lalaki o babae - binary (o kaisipan na laging meron lang dalawang panig na magkasalungat - tulad ng babae vs. lalaki, tao vs. kalikasan). Kamakailan lang kinilala ang intersex, pero pangkalahatang kategorya ito para sa mga taong hindi pasok sa kategorya ng lalaki o babae - ang binary pa rin kasi ang basehan o baka tinamad na lang talaga sila mag-isip ng kategorya para sa iba’t-ibang uri ng kasarian.


So makikita natin meron pagpapahalaga sa ari, binary, at pagkakategorya. Pero ito din ba talaga ang pinapahalagahan natin? Siguro ngayon lang, kasi yung mga ninuno natin wala naman ganitong mga kategorisasyon pero nabuhay naman sila ng matiwasay. Sa katotohanan, mas pantay ang relasyon base sa kasarian sa madaming komunidad noon kaysa sa ngayon.


Makikita din na ang proseso ng pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman batay sa sex and gender ay nakatutok sa pagtingin sa mundo na sa lente ng binary; sa pangangailangan na makapaggeneralize ng datos (o makapaghanap ng mga katangian na puwedeng ipagpalagay na taglay ng isang grupo) - tungo sa pagkakahon batay sa uri. Sa kasarian meron na tayong obsession o pagkahumaling sa pag-alam kung saang kategorisasyon tayo puwede pumasok, pero paano kung hindi pa naiimbento o kinikilala ng siyensya at lipunan ang kategorisasyon kung saan tayo puwede pumasok?


Hindi ko sinasabi na walang pakinabang ang pag-alam at paggamit sa balangkas na ito, pero ang kakulangan sa pagsusuri ay posibleng nakakadulot ng pagpapaigting ng kolonyal na kaisipan sa kasarian at hindi pantay na relasyon sa usapin ng kaninong kaalaman ang itinuturing natin na valid o wasto. Paano kung ang mga paniniwala, pinapahalagahan, at proseso ng pagbubuo at pagbabahagi natin ng kaalaman ay hindi lapat sa mga ito? Paano kung ang paniniwala pala natin ay paglalakbay ang kasarian, hindi kategorisasyon o kahon na kailangan pasukan? Paano kung ang pinapahalagahan pala natin ay ang sari-saring gampanin na gustong tahakin ng mga tao sa lipunan, hindi ang kanilang ari? Paano kung ang proseso natin ng pagbubuo at pagbabahagi ng kaalaman ay mas mainam na ginagawa sa pamamagitan ng kuwentong buhay/kasaysayan at pakikipag-ugnayan sa malilikhaing pamamaraan, hindi sa teknikal at akademikong pagsusulat? Paano, sa ganitong palagay, tatanggapin ng lipunan ang karunungan at pagkatao natin?


Natutunan ko mula sa proseso nila Gege at Mandeep sa pagbubuo ng Kasarian na ang pagtanaw sa lenggwahe at ugat nito sa kasaysayan ay isa sa mga paraan na puwede natin gawin para mas masuri ang samu’t-saring balangkas na natututunan natin at alamin ang balangkas na gusto nating buuin para sa sarili natin. Habang ang Kasarian din ay nag-aalok ng balangkas na tinitignan ang lipunan hindi batay sa ari, binary, o pagkakategorya; kung hindi sa halaga ng samu’t-saring, magkakaiba, magkaka-ugnay, na kuwento, buhay, kayamanan ng mundo.


———


Sa sesyon namin kasama ang mga katutubong kababaihan, kumuha kami ni Julie ng inspirasyon sa proseso na pinagdaanan nila Mandeep at Gege sa pagbubuo ng Kasarian bilang balangkas at kaalaman. Hinikayat namin ang mga kalahok na magnilay mula sa sarili nilang lenggwahe: ano ang kanilang salita para sa kasarian (maaaring hindi direct translation at okay lang ito); ano ang posibleng ugat ng salitang ito mula sa kasaysayan ng komunidad nila; paano nila ito ginagamit sa pakikipag-usap o sa mga anong konteksto nila ginagamit ang salitang ito; at ano ang ibig-sabihin ng lahat na ito sa sarili nilang pagtingin sa kasarian.


auto-itlography: lovefool

gege

Ang hirap magsulat ng bagay na di ma-capture ng words. Minsan nakaka-frustrate na kahit alam at naiintindihan natin ang isang bagay, pero di natin malagyan ng form. Pag pinag-uusapan ang kasarian, laging mahirap na i-focus at paliitin siya into a concept, kasi buhay siya at ever expanding. Kahit sa taong katulad kong explorer ng vastness ng kasarian, I keep getting lost. Kaya gusto kong baybayin ang lovelife ko para matilad tilad ko yung mga pinagdaanan ko at kung paano ako nakarating sa kasarian ngayon.


Kung susubukan kong i-explain kung ano ang kasarian, dun ako magsisimula sa kung anong nasa pagitan ng hita natin—puke ba, tite, and everything in between at nasa labas nito. Kasi yun naman ang kinamulatan ko pag sinabing kasarian.


Mula nung twink ghorl pa ako, ang feeling ko ay magiging mahirap ang buhay ko bilang neurodivergent badeng. I was too discerning sa rules at sa consequences for breaking them. Nafeel ko na masikip ang mundong to para sa mga katulad ko, kaya kailangan ko lang mag-survive enough para ma-figure out kung saan ako tatakas para doon ko nalang sisimulan yung buhay ko. Tapos at the same time, sobrang dweeb ko sa pag-ibig. Minsan feeling ko concerned ang mga tao kung gaano ako ka-obsessed sa pag-ibig at relationships. Di ko sure kung bakit ganun exactly, pero alam ko lang na parang yun yung safe na lugar na gusto kong takasan, kung saan ko gustong simulan ang buhay ko, where I can really be free.


Nursery ako, tinanong ako ng pinsan ko kung sinong crush ko. Nagulat siya nang sinabi ko ay dalawang pangalan ng babae. Sabi niya sakin, ‘ay nakuu, wag mong sasabihin yan sa iba ha’. Aba malay ko ba, three years old lang ako nun e, inosente pa pero apparently meron palang ‘rules’ sa ganito. Sa bahay, lagi kong sinusuot ang damit ng kuya ko. Yung damit kasi para sakin, pink, floral o may cutesy stuff, di ko yun vibe, mga bih. Sinusuot ko lang kasi yun naman ang binibili para sakin, kasi wala naman akong capacity to honor myself kasi baby pa ako. Eventually, narealize kong para sa akin talaga yung mga girly na damit kasi ‘babyghurl’ ako, grabe yung nafeel kong protesta somewhere inside me. Pag nilalagyan ng clip yung buhok ko, sinisira ko na yun before pa ako makalabas ng bahay kasi I don’t want people to see me as a girl because I was never one. Ni hindi ko naman alam na magkaiba pala kami ng kapatid ko–na iba kami ng biology at ng expectations sa amin as people.


I remember when I used to be unmarked in terms of gender. Para lang akong pet animal–walang gender, walang kinalaman sa sex. Kaso isang summer, tinawag ko yung pinsan ko kasi nakakita ako ng dugo sa toilet, sabi niya sakin, ‘dalaga ka na’. Nawasak ako ng slight, kasi gendered na ako, pero wala akong magawa kasi bata lang ako na nakatira sa bahay ng magulang ko. Pero jusko, I wasn’t only queer, I also thought differently. Lalo akong natakot ma-find out kung sino ako–natakot akong mabisto, ma-invalidate and ma-unlove. Natakot akong di na ako magkasya sa cute little pink box na ginawa specifically para sakin so I won’t burn in our loving god’s ocean of fire for the sinful.


Ang aga ko pala nagising sa kung sino ako, pero maaga rin akong na-police. Ang mga magulang ko ay nag-meet sa church at sila ay one of the most zealous among their contemporaries. Kilala kami as a beautiful family because our life pleases the lord–and it was a source of comfort and pride sa pamilya namin, how can I take that away from them when it’s the only thing we had?


But the gay fire continued to grow inside me in secret, in tidal waves.


I was in Grade 5 when I experienced my first love and heartbreak. I have never felt so seen and alone at the same time. Vakla rin kasi siya, pero di ko nagawang umamin na gusto ko siya. I cried when I found out that they found love with someone braver. It always felt more complicated to navigate queer relationships because the map created for love was not designed for our topography. Things always feel weird and rushed, desperate and obsessive, siguro kasi ginagawa siyang taboo.


At thirteen, pumasok na ako sa secular school. Walang morning prayers, no religious othering, and no systemic policing of queer joy. Dito ko na-meet ang first jowa ko pero naalala kong she didn’t really like me romantically at first. Her intimacy’s intention was to help me heal but I took it as a dole out to climb out of my own misery. Nung nalaman ng mama niya, natakot kami kasi sobrang nagalit siya, di ko mahawakan kamay niya in public, di ko siya maisayaw nung prom, at tahimik lang ako pag kinakanchawan siya ng friends niyang sagutin yung mga nanliligaw sa kanya. Sabi sa akin, sana naging masaya nalang ako that I was afforded closeness pero we weren’t happy. So nakipagbreak ako sa kanya habang nasa jeep ako pauwi, ang hassle, ang messy kasi nanunuod lahat ng nasa biyahe papuntang SM North habang humahagulgol ako nang walang panyo man lang.


Then I met a guy in college. Bentang benta ako sa kanya, despite being visibly queer in every way. I thought that I finally found my way out of my queerness, that I was finally going to live a ‘normal life’–I can get married, create a family, and become completely hopeless. Kaso sabi niya sakin nung nag-Define the Relationship kami that I was too eager, too good for him, like it was a polite way to say no.


Being queer then felt a lot like loneliness. Love felt a lot like danger.


Tapos na-inlove naman ako with a friend. Minahal ko siya in secret for three years, pero nabasted ako nang malala, napahiya rin, tapos sa dulo I felt disgusting and naked. Tapos na-inlove ako ulit, pero this time sa may jowa–pero the whole time, na-feel kong it didn’t matter how much I loved her, kasi I only felt the pain of the person we were betraying.


Tapos nagjowa ng isang person dahil na-inlove ako sa kanya kahit ang gusto lang niya ay one night stand. I left home at nag-bahay bahayan na kami. I also took ownership of her pain, then it slowly became mine–and just like that, all queer pain was mine too. Pero she needed more kaso monogamy lang ang alam kong framework para sa relationship. Napigilan rin kami to express our desire for connection with others. Di ko na nakuhang magalit kasi nakita ko how painful it for her was to tear herself apart just to honor all facets of her being. In the end, umalis siya kasi parang wala raw akong pangarap.


Masakit ha. Jusko parang gumuho mundo ko. Di lang dahil sa kanya, kundi dahil sa lahat ng nangyari mula bata ako, mula sa pink dresses and hair clips, papunta sa tinawag na akong dalaga, hanggang sa tawaging too eager pero walang pangarap. Bakit stuck ako? Bakit nagtatago? Saan bang sulok ako pwedeng sumuot para magkasya ako? Sinisisi ko sarili ko kasi I feel things so deeply and dearly–kaya siguro grabe ako mag-latch sa pag-ibig. Pero alam ko rin na my strength derives from love, parang unti unti, naatat akong umibig pa lalo.


Then I met Mandeep. Naaalala ko na maraming habits at patterns ko ang nag-grow at na-nurture, at marami ring niligwak dahil di na sila applicable. Lahat ng solid, naging abstraction; lahat ng bawal, naging pleasurable. Nabuksan sakin ang buong sanlibutan, mas lalo akong nagising bawat minutong nakikinig ako sa kwentong tula niya tungkol sa sarili niyang universe. Unti unti akong lumaya sa kamunduhang rules at limitations, naramdaman kong lumawak ang space na ginagalawan ko, kasi di pala maliit ang mundo ko, na-limit lang dahil sa made up rules about life.


For the first time, nagkaroon ako ng time at security to start reflecting on my own life. Na-realize kong malaki rin ang toll ng fear, hiding, and self-loathing. Naging wild anxiety and depression na siya. Nang mag-start nang mag-relax ang katawan ko, naniningil na silang mapansin at makausap. Ilang taon pala akong nabubuhay akong parang wala lang, di ko na maalala kung kailan ako nag-start maging closeted as a human being, hanggang di ko na pala kilala ang sarili ko. I’ve been dragging myself around all these years not knowing how to hold myself. Akala ko okay nang ma-feel kong safe ako, pero trapped pala ako ako kasi nakulong ko ang sarili ko sa outward na pag-ibig at feeling of safety.


Naiisip ko tuloy minsan na baka ang mental unwellness ko pala ay dahil sa adrenal dysfunction and dysregulation at dahil sa overdue repressed feelings. Ang dami ko sigurong lungkot, galit, frustration na di ko pinansin kasi I like keeping peace, pero ang gulo pala sa loob ko. Narealize ko na sa pag-ibig sa sarili at sa iba, feeling ko minsan sa nangungutang ako sa past at future, leaving me unsatisfied despite getting affection and intimacy. Lalo tuloy nagiging parang full-blown addiction ang pag-ibig sakin kasi go lang pala ako ng go kahit mesheket na.


Di ko narealize na yung mga taong iniibig ko pala ay sometimes placeholders rin for self love. Kaya naman pala parang ang pag-ibig ko ay intense, desperate, obsessive, kasi binuhos ko lahat ng meron ako para sa isang tao. Eh ang laki pala ng capacity ko magmahal, tapos inipon ko sa isa at pinagdamot ko sa sarili ko because I thought I didn’t deserve the love I give, the love that I want.


Kasarian was born out of love. It helped me to love myself like how I love others.


Isang araw, habang naglalakad sa isang tulay sa Iloilo, napatalon ako kasi na-realize ko na sari ang pinatutungkulan ng kasarian, hindi ari. We gestated kasarian with no help from no man, parang immaculate conception. All this time, hindi lang pala siya tungkol sa gender, sa rules, sa binary, kundi sa multitudes! Lahat pwede, lahat kasali, kahit ako. Dati, anything pleasurable feels dangerous sa context ng binary, especially when we’re unhealed. Ngayon, it’s clear to me na di ko kailangan malunod sa sarili kong feelings just because I have them, kasi I am free dahil wala naman talagang rules. Pwede ko palang i-embrace ang buong pagkatao ko at maintindihan na marami palang permutations ang sari ng sarili ko at ng iba. It feels right.


Unti unti rin naming binuo ang picture ng kasarian, mula sa sarili kong sari, hanggang sa sari ni Mandeep, ng pamilya ko, ng cosmic siblings, ng bebis, at lahat ng taong nakasalamuha at spaces na ginagalawan ko. Ngayon, kasarian is like an amalgamation (amalgamashown?) of thoughts and learnings from history, anthropology, archaeology, linguistics, philosophy, and natural and community sciences-a third world queer conceptualization of gender and operationalizing intersectionality.


Ngayon, ginagamit ko itong kasarian as a healing framework to explore the indigeneity of the self and our communities through reflecting on intergenerational memories and integration of learned knowledge. Kasarian is not here to categorize or to limit things, but to understand reachable facets within and amongst ourselves through observations and retracing meanings (uxtoh mo yorn?). Mula nang nahukay namin ang kasarian, kami na ang nagbibigay ng sarili naming meanings sa mga bagay, ino-honor ang autonomy ng bawat isa, at nag-ooperate in life based on our pleasures.


Pero kasarian is not only about gender. Yun lang yung jump off point para ma-unlearn ang binary. Kasarian for me is refusing to ascribe at mas tungkol sa liberation from impositions. Ngayon, naging concept at framework na siya for liberation. Kasi hindi lang gender ang pinalaya niya sa akin, pati na rin lahat ng bagay na inaapplyan ng binary–tama o mali, white o brown, man o nature, badeng o straight, etc. Ang rule nalang na naiwan ay wag maging asshole sa sarili at sa iba.


Kasarian will always evolve and it will outlive all of us, dahil yun mismo ang premise niya–diverse and ever changing, all encompassing and embracing. Personally, naging way ang kasarian na ma-discover at ma-retrace ko kung sino ako beyond gender, beyond rules, beyond love.


Tatapusin ko nalang tong sinulat ko with a quote from ancestral memories from my gut:

joy has always been queer and honoring diversity is the way to be-it is our resistance and our utopia.

The team

Circle
White Circle Vector
White Circle Vector

KAT

Mahilig sa kahit anong kahayupan at kalawakan. Bituin na sumaglit sa mundong ibabaw para magpakalat ng kalinga at kaligayahan. Badeng, adhd at acoustic. Nahihirapan magregulate ng isip at emosyon pero mabait po talaga. Laging na sa panig ng inaapi. Naniniwala na lahat tayo ay may kapangyarihan magdulot ng mabuting pagbabago.

MANDEEP B. KAUR (siya/them)

Taong nilalang ng lupa para ibaba dito ang langit. Siya ay trans, otistik, at bading. Sa lipunang hindi siya tanggap o ligtas, nabubuhay siya sa grasya ng halamang pagkain at gamot, sa kalinga ng kapwa tao at hayop, at sa bagong lakas na laging dulot ng idlip, tulog, at pahinga. Siya rin ay isang queer anthropologist, autoethnographer, at manunula.

Circle
White Circle Vector
White Circle Vector
White Circle Vector
White Circle Vector
Circle
White Circle Vector

GEGE (siya/them)

Sweet lover ng Quezon City: isang vaklang visual ethnographer, meaning archaeologist, at affirmation engineer, working towards creating a world kung saan ang lahat ng tao ay masaya at malayang maging kanal.

Circle
White Circle Vector
White Circle Vector

JULIE

Token neurotypical. Depressed pero laging in love.

Tagagawa ng spreadsheet.

COLLABORATORS

Colorful Wave Lines
Colorful Wave Lines
Minimalist UI Rounded Rectangle Element

instagram.com/kasarianph

+63 996 910 9991